Saturday, May 12, 2012

Ang Panimula

Bago ko sinimulan ang blog na ito tinanong ko muna sarili ko kung ano ang pwedi kong ibahagi, isulat, o ikwento sa mga babasa at subaybay sa blog ko.. Kumuha ako ng yellow paper, ballpen, at nag-isip. Ang daming pumasok sa isip ko. Panglalait sa gobyerno, chismisin ang buhay ng artista, magpatawa, at marami pang ibang censored.

Naka smile ako habang hawak ang ballpen, ngunit 30 minutes na ang lumipas wala parin akong naislulat. Badtrip! Ang dami kong naisip ngunit wala paring laman ang papel. Naisip ko mag kape, pero tinatamad akoung tumayo, naisip kong mag TV muna, pero alam kong mababadtrip lang ako lalo sa mga balita.. Kaya hinarap ko nlng ulit sa papel at sinulat ko "Ang Panimula".. Dalawang salita lang.. At hinarap ko na ang computer ko. Ang haba ng panimula wala namang kwenta..

Sa panimulang ito gusto ko ibahagi ang mga pananaw ko sa buhay... buhay Pilipino. Isa sa mga dahilan bakit sinimulan kong mag blog kasi parang nalalapit na tayo lusobin ng mga Instik sa China, ayon sa isang reporter nila hindi lang daw ang Panatag Shoal ang bahagi ng China, pero yung boong Pilipinas daw ay bahagi din.. Sira! Kailan pa? At kung sila man talaga ang nauna dito, sorry, 'finders keepers! Langya!

Kulang man tayo sa barkong pandigma saludo parin ako sa mga marinong hindi pinabayaan ang Panatag Shoal. Sana manatli talagang panatag ang Panatag Shoal.. Pero kung iisipin nating mabuti, sinimulan na talaga nila ang invasion.. Oo! Tama! Nilulusob na tayo sa cyberworld.

Ang dali nilang napasok at na hack ang mga website ng ating gobyerno at 'langyang binandera ang pulang bandila nila. Isa itong sampal at insulto sa atin. Click mo ang link dito para makita ang balita. Pinalitan ang mga imahe sa mga government websites natin ng bandera nila habang nakatugtog ang national anthem nila. 'Di pa tapos ang pambabastos nila at binalaan pa tayo, "Huangyan Island belongs to China, what power you have said is you? ... Tolerance is not possible, no need to endure," at "Every country has the patience of the bottom line, if you crossed the bottom line, China will take measures to... Silence does not mean we will be afraid of any one country," ....

Alam kong mas mahina tayo sa sandatahan kung ikukumpara.. Sana idaan nalang sa boxing ang hidwaang ito para sa loob ng 12 rounds tapos na ang usapan! At alam na nating lahat kung sino ang magwawagi...


No comments:

Post a Comment

Sabihin mo na!