Wednesday, May 16, 2012

The Avengers

Kahapon nanood ako ng The Avengers.. ang lupheet! First 10 minutes palang ubos na popcorn at juice ko. Dahil siguro sa excitement kaya naubos ko agad. Pagkatapos ng movie palakpakan ang mga tao.. Bigla ko naisip paano kaya kung totoo talaga si Thor, Hulk, Iron Man, Captain America, etc.. Tutulong nga ba talaga sila sa mga naaapi o sila ang mangaapi. Walang nakaka-alam. Walang makaka-alam, kasi hindi sila totoo. Pero sa palagay ko merong malaking posibilidad na sila ang mangaapi. Bakit? Eto ang nakikita kong rason..

  • Malakas sila - Kumakain ng bala si Hulk at si Thor naman ay kumakain ng kidlat.. San ka pa! 'Di pa kasali yung mga super powers ng ibang kasapi.. Para 'ring Justice League kunbaga.. Ang kapangyarihan ang pinaka madaling abusohin dahil kaya nang gawi ng may hawak ng kapangyarin ang gusto niyang gawin.. Pwedi na siyang "mang-bully" sa mahihina. Gaya ng ginagawa ng Tsina sa atin.. "Bullying".
  • May sandata sila - isa sa mga pinakamalaking rason bakit pwedi silang mang-abuso dahil meron silang sandata. Hindi lang sila malakas, mas pinalakas pa sila ng kanilang mga sandata. Isang hampas lang ni Thor gamit ang sandata niya parang kang sabay-sabay na nasabugan ng paputok na Goodbye-Philippines. At talagang Goodbye ang aabotin mo. Gaya ulit ng Tsina, isa sa mga rason kung bakit nila tayo binubully eh kasi naman ang lalakas ng mga sandata nila.. In terms of weapons in warfare medyo dehado talaga tayo sa kanila.
  • Intensyon - Kahit ang mga Avengers merong kani-kanilang intensyon, sa huli nalang sila nagkaisa dahil iyon naman talaga ang nasa script at 'yun din ata ang gusto ng director. Kahit ano paman, isa sa mga rason bakit merong mga grupo o paksang nagkakagulo e dahil sa magkaiba ang kanilang mga intensyon sa mga pangyayari. Pweding ankinin ng Avengers ang Panatag o Scarborogh Shoal kung gustohin man nila, ngunit sa tingin ko hindi naman sila naghahanap ng langis at natural gas.... Ang Tsina, Oo! Malakaing Oo!! Uhaw ang bansa nila sa langis kaya naisip nilang mang-agaw ng teritoryo.
Sa ngayon 'yan lang naisip kong mga rason kung bakit pweding umabuso ang the Avengers.. Hindi 'din naman nakakabahala isipin dahil yung kapangyarihan nila hanggang sa telon lang ng mga sinehan, ang lakas nila pinabisa lang ng camera tricks.. Walang dapat ikabahala. Ang dapat nating bigyang pansin ay ang katotohanan na hinaharap natin - Tsina, isang malakas at higanteng bansa na walang respeto sa mga maliliit na bansa gaya ng Pilipinas. Para tayong bata na inaagawan ng candy ng isang damulag, isang sinkit na damulag.. Ngunit, hindi 'rin naman tayo ang klaseng mga tao na nagpapaapi lang. Kung susuriin sa history books natin lahi tayo ng mga magigiting. Sa huli, hindi natin kelangan ng mga superhero, justice league, o avengers dahil sa huli tayo parin ang tatayo para sa sarili natin at tayo ang makikipaglaban para wakasan ang pangaapi. Tayo ang sarili nating superhero... At isang araw mahahanap ng mga bully na yan ang talagang hinahanap nila.. at eto yun!


Saturday, May 12, 2012

Ang Panimula

Bago ko sinimulan ang blog na ito tinanong ko muna sarili ko kung ano ang pwedi kong ibahagi, isulat, o ikwento sa mga babasa at subaybay sa blog ko.. Kumuha ako ng yellow paper, ballpen, at nag-isip. Ang daming pumasok sa isip ko. Panglalait sa gobyerno, chismisin ang buhay ng artista, magpatawa, at marami pang ibang censored.

Naka smile ako habang hawak ang ballpen, ngunit 30 minutes na ang lumipas wala parin akong naislulat. Badtrip! Ang dami kong naisip ngunit wala paring laman ang papel. Naisip ko mag kape, pero tinatamad akoung tumayo, naisip kong mag TV muna, pero alam kong mababadtrip lang ako lalo sa mga balita.. Kaya hinarap ko nlng ulit sa papel at sinulat ko "Ang Panimula".. Dalawang salita lang.. At hinarap ko na ang computer ko. Ang haba ng panimula wala namang kwenta..

Sa panimulang ito gusto ko ibahagi ang mga pananaw ko sa buhay... buhay Pilipino. Isa sa mga dahilan bakit sinimulan kong mag blog kasi parang nalalapit na tayo lusobin ng mga Instik sa China, ayon sa isang reporter nila hindi lang daw ang Panatag Shoal ang bahagi ng China, pero yung boong Pilipinas daw ay bahagi din.. Sira! Kailan pa? At kung sila man talaga ang nauna dito, sorry, 'finders keepers! Langya!

Kulang man tayo sa barkong pandigma saludo parin ako sa mga marinong hindi pinabayaan ang Panatag Shoal. Sana manatli talagang panatag ang Panatag Shoal.. Pero kung iisipin nating mabuti, sinimulan na talaga nila ang invasion.. Oo! Tama! Nilulusob na tayo sa cyberworld.

Ang dali nilang napasok at na hack ang mga website ng ating gobyerno at 'langyang binandera ang pulang bandila nila. Isa itong sampal at insulto sa atin. Click mo ang link dito para makita ang balita. Pinalitan ang mga imahe sa mga government websites natin ng bandera nila habang nakatugtog ang national anthem nila. 'Di pa tapos ang pambabastos nila at binalaan pa tayo, "Huangyan Island belongs to China, what power you have said is you? ... Tolerance is not possible, no need to endure," at "Every country has the patience of the bottom line, if you crossed the bottom line, China will take measures to... Silence does not mean we will be afraid of any one country," ....

Alam kong mas mahina tayo sa sandatahan kung ikukumpara.. Sana idaan nalang sa boxing ang hidwaang ito para sa loob ng 12 rounds tapos na ang usapan! At alam na nating lahat kung sino ang magwawagi...